Home NATIONWIDE Piso lumagapak kontra dolyar

Piso lumagapak kontra dolyar

70
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa panibagong record low ang Philippine peso sa unang bahagi ng trading nitong Huwebes habang lumalakas ang dolyar matapos panatilihin ng Federal Reserve ang interest rates.

Umabot ang piso sa intraday low na 61.75 kontra dolyar, mas mababa sa dating record na 61.67 na naitala noong nakaraang araw.

Lumakas ang dolyar laban sa ibang pangunahing pera matapos ang anunsyo ng Fed. Ayon sa ulat, nananatili rin ang pangamba ng mga mamumuhunan dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East, partikular ang sigalot na kinasasangkutan ng United States, Israel, at Iran.

Dahil dito, tumataas ang demand para sa mga “safe-haven assets” habang hindi pa rin humuhupa ang geopolitical risks. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here