Home NATIONWIDE PCG naglabas ng bagong investigation manual vs iregularidad sa hanay ng mga...

PCG naglabas ng bagong investigation manual vs iregularidad sa hanay ng mga tauhan

78
0

MANILA, Philippines – Nagpakilala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong investigation manual na layuning i-standardize ang mga polisiya at proseso sa imbestigasyon at resolusyon ng mga administratibong kaso sa loob ng ahensya.

Ayon kay PCG spokesperson Commo. Noemie Cayabyab, ginawa ang hakbang upang palakasin ang accountability matapos ang insidenteng kinasangkutan ng dalawang tauhan na naaresto sa isang anti-illegal drug operation.

“Meron po tayong natanggap na information about sa illegal drug operations natin kung saan dalawa sa ating mga tauhan ang naaresto. Mas lalong pinaigting ng pamunuan ng Philippine Coast Guard ang pagko-conduct ng investigations and resolution of those cases,” ani Cayabyab.

Dagdag niya, bahagi ng reporma ang pag-institutionalize ng “integrity, discipline and accountability” sa hanay ng PCG personnel.

Ayon sa PCG, binuo rin ang Probity Assurance Team na binubuo ng iba’t ibang units tulad ng legal, investigation, detention management, at intelligence services upang mapabilis ang imbestigasyon at pagresolba ng kaso.

“So ito po ang Probity Assurance Team… para mas mapabilis ang proseso at pagbibigay ng resolution,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Cayabyab na may direktiba si PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na dapat agad na aksyunan ang anumang paglabag sa batas at internal rules, at maaaring ma-dismiss ang mga mapatutunayang lumalabag.

“Pagdating po sa mga violations ng batas… all concerned personnel will definitely face the full consequences of the law… we will be immediately discharging or dismissing them from the service,” ani Cayabyab.

Hinihikayat din ang mga tauhan na i-report ang anumang iregularidad ng kanilang mga kasamahan sa pamamagitan ng internal channels upang mapanatili ang disiplina sa ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here