Home METRO Wanted miyembro ng gang timbog sa Pasay

Wanted miyembro ng gang timbog sa Pasay

70
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Pasay City police Sub-Station 7 ng Maricaban ang isang may kasong kilabot na miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang Miyerkules ng gabi, Abril 29.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang inarestong suspek na si alyas Pupay, 41, tinaguriang #10 most wanted person (MWP), residente ng 170 Sampaguita St., Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Matagumpay na naisakatuparan ang pag-aresto kay alyas Pupay na sangkot sa kasong attempted murder bandang alas 9:30 ng gabi sa kanyang tinitirhan sa Sampaguita Street, Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Nasakote ang suspek ng mga miyembro ng Pasay police Sub-Station 7 sa bisa ng isinilbing warrant of arrest na inisyu nitong nakaraang Marso 27, 2026 ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Divina Gracia Lopez Peliño ng Branch 231na mya rekomendasyon na piyansa sa halagang P120,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang suspek habang naghihintay ng kanyang commitment order na galing sa korte para sa paglipat ng kanyang pagkukulungan sa Pasay City jail. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here