Home METRO Lolong namalo ng tako, tinaga ng kainuman

Lolong namalo ng tako, tinaga ng kainuman

75
0

ILOCOS SUR- Nasa ospital ngayon ang isang 61-anyos na lalaki matapos tagain ng kanyan nakainuman sa Brgy. Quinarayan, Narvacan ng lalawigang ito, kagabi.

Ayon sa Narvacan Municipal Police Staion, ang biktima at ang 38-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang lugar.

Ang biktima at suspek ay nag-iinuman sa bahay ng isa nilang kalugar nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Sumakay sa kanyang motorsiklo ang suspek at agad na umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na agad umanong sinalubong ng biktima at pinalo ng pool stick.

Kinuha naman ng suspek ang kanyang itak mula sa kanyan motorsiklo at tinaga ng isang beses ang biktima.

Resulta nito, nagtamo ng taga sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at kanang kamay ang biktima.

Isinugod sa Ilocos District Hospital sa naturang bayan ang biktima samantalang boluntaryo namang sumuko sa Narvacan Municipal Police Station ang suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here