Home NATIONWIDE Cooling rooms sa LRT-2 stations bubuksan simula Mayo 4

Cooling rooms sa LRT-2 stations bubuksan simula Mayo 4

102
0

MANILA, Philippines – Maglalagay ng passenger cooling room sa bawat istasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) simula Mayo 4 dahil sa patuloy na mainit at maalinsangang panahon sa bansa, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA).

Ayon sa LRTA, bukas ang cooling rooms mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. at maaaring gamitin ng mga pasaherong may valid ticket na nakararanas ng heat exhaustion tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, o iba pang discomfort dulot ng init. Bibigyan ng prayoridad ang senior citizens, persons with disabilities, at mga buntis.

“To ensure that all those in need are given the opportunity, the stay inside the cooling room has a set time of 30 minutes to one hour per passenger,” ayon sa LRTA.

Kinakailangang pumirma sa logbook ang mga gagamit ng pasilidad sa pagpasok at paglabas. Pinapayagan din ang isang kasama para tumulong sa pasahero.

Nilinaw ng LRTA na hindi ito lugar tambayan. “It should only be used when necessary to give other passengers a chance to temporarily rest,” anila.

Dagdag pa, maaaring dumiretso ang mga pasaherong nakararanas ng heat exhaustion sa clinic ng LRT-2 para sa agarang tulong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here