Home NATIONWIDE Pinoy, kumpirmadong sugatan sa banggaan ng tren sa Toledo, Spain

Pinoy, kumpirmadong sugatan sa banggaan ng tren sa Toledo, Spain

3
0

MANILA, Philippines – Isang Filipino ang kabilang sa mga nasugatan sa malagim na banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo sa Spain nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Embassy.

Sinabi ng embahada na nagtamo lamang ng minor injury ang Filipino at dinala sa ospital para sa agarang gamutan.

Patuloy namang inaalam ng Philippine Embassy kung may iba pang mga Filipino na sangkot o naapektuhan ng insidente.

Umabot sa hindi bababa sa 64 katao ang nasawi habang mahigit 100 ang nasugatan sa banggaan ng dalawang tren sa timog ng Madrid.

Ayon sa Castilla-La Mancha government, 58 sa mga nasugatan ang dinala sa ospital habang 15 sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.

Ilang bagon ng mga tren ang tumagilid at bumagsak sa embankment matapos ang banggaan, dahilan upang magpadala ng maraming emergency responders at rescue vehicles sa lugar.

Patuloy ang rescue at recovery operations habang inaalam ng mga awtoridad ang buong lawak ng insidente. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here