Home HOME BANNER STORY Singil sa kuryente posibleng tumaas sa mahinang piso — Meralco

Singil sa kuryente posibleng tumaas sa mahinang piso — Meralco

3
0

MANILA, Philippines – Posibleng tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco dahil sa patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar na maaaring magpataas sa generation costs.

Ayon kay Meralco Senior Vice President at Regulatory Management Head Jose Ronald Valles, higit 50% ng kanilang power sources ang may exposure sa foreign exchange, kabilang ang mga gas power suppliers.

“Definitely, it will have an impact, especially on the pass-through generation cost,” ani Valles.

Gayunman, sinabi niyang naghahanap ang kumpanya ng paraan upang ma-manage at ma-offset ang posibleng pagtaas.

Nilinaw naman ni Meralco Chairman at CEO Manuel Pangilinan na hindi maaapektuhan ng mahinang piso ang distribution charge ng kumpanya dahil wala itong foreign debt.

Sinabi rin ni Pangilinan na lalo nitong ipinapakita ang pangangailangang palakasin ang domestic energy sources, kabilang ang renewable energy gaya ng solar.

Binanggit din niya ang potensyal ng local oil at gas exploration, bagama’t sinabi niyang limitado pa ang development ng ilang proyekto.

Samantala, inaasahan ni Meralco Chief Operating Officer Ronnie Aperocho na tataas pa ang electricity demand sa mga susunod na buwan dahil sa mas mainit na panahon dulot ng El Niño.

Sa kabila ng volatility sa foreign exchange at fuel prices, sinabi ng Meralco na nananatili itong kumpiyansa sa P56.6-bilyong core net income target nito para sa 2026, maliban kung magkaroon ng malalaking hindi inaasahang developments. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here