Home TECH TREND Malunggay posibleng solusyon sa pag-alis ng microplastic sa tubig

Malunggay posibleng solusyon sa pag-alis ng microplastic sa tubig

148
0

RIO DE JANEIRO, Brazil – Isang pag-aaral ang nagsasabing ang moringa oleifera, na kilala bilang “miracle tree,” ay maaaring makatulong sa pag-alis ng microplastics sa inuming tubig.

Ayon sa research na isinagawa ng mga siyentipiko mula sa Brazil’s Institute of Science and Technology of São Paulo State University, ang extract mula sa buto ng moringa ay nakapag-alis ng hanggang 98% ng microplastics sa tubig mula sa gripo.

Gumamit ang mga mananaliksik ng saline extract mula sa buto ng moringa at sinubukan ito sa kontaminadong tubig. Gumagana ito sa pamamagitan ng coagulation, kung saan pinapatay ang negative charge ng microplastics kaya nagbubuo-buo ang mga ito at mas madaling ma-filter.

Ayon sa pag-aaral, ang resulta ay katulad ng epekto ng mga chemical coagulants tulad ng aluminum sulfate, ngunit ang moringa ay natural, biodegradable, at hindi toxic.

Ang moringa ay karaniwang tumutubo sa tropical regions at matagal nang ginagamit bilang pagkain, gamot, at simpleng water purifier dahil sa taglay nitong natural proteins na kumakapit sa impurities.

Gayunpaman, nagbabala ang mga eksperto na kailangan pa ng mas maraming pagsusuri bago ito magamit sa malakihang water treatment systems, dahil maaaring makaapekto ang kalidad ng tubig at proseso sa bisa nito.

Sa kabila nito, sinasabi ng pag-aaral na maaaring maging mahalagang bahagi ang moringa sa paghahanap ng solusyon sa lumalalang problema ng microplastic pollution sa tubig at kalikasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here