Home METRO 13 pulis sa Central Luzon sinibak dahil sa kasong administratibo

13 pulis sa Central Luzon sinibak dahil sa kasong administratibo

79
0

PAMPANGA, Philippines – Inanunsyo ng Police Regional Office 3 (PRO3) na 13 pulis sa Central Luzon ang sinibak sa serbisyo mula Enero hanggang Abril ngayong taon dahil sa mga kasong administratibo.

Kabilang sila sa 72 pulis na natapos na ang kaso. Sa bilang na ito, 20 ay commissioned officers (lieutenant pataas) at 52 naman ay non-commissioned officers.

Sa kabuuan, 36 ang nasuspinde, dalawa ang na-demote, lima ang napagsabihan, at 16 ang naabsuwelto.

Ayon kay PRO3 director Brigadier General Jess Mendez, patuloy ang kampanya para sa disiplina at paglilinis sa hanay ng pulisya.

“We continue to strengthen our internal cleansing efforts. Discipline within the ranks is non-negotiable. We will hold accountable those who violate the law, while ensuring that due process is strictly observed,” aniya.

Iginiit din ng PRO3 ang kanilang pangako sa pagiging propesyonal, transparent, at may pananagutan sa serbisyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here