Home METRO HVI arestado sa P13.6M tobats sa Zamboanga

HVI arestado sa P13.6M tobats sa Zamboanga

80
0

ZAMBOANGA, Philippines – Pinaigting ng Police Regional Office 9 (PRO 9) ang kampanya kontra droga matapos maaresto ang isang high-value individual (HVI) at makumpiska ang humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13.6 milyon sa Barangay Ayala, Zamboanga City noong Abril 30.

Pinagsanib na operasyon ng PNP Regional Drug Enforcement Unit 9, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9, at iba pang ahensya ang nagresulta sa pagkakahuli ng 29-anyos na lalaki na taga-Jolo, Sulu ngunit nakatira sa nasabing barangay.

Nasamsam sa suspek ang dalawang vacuum-sealed plastic bag na may lamang crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na may kabuuang bigat na 2,000 gramo.

Isinailalim na sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 9 ang ebidensya, habang nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Station 11 ang suspek at sasampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PRO 9 regional director Brigadier General Edwin Quilates, mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya sa paglaban sa droga.

“This arrest underscores our relentless drive against the drug menace… Community support is vital in ensuring a safer Zamboanga Peninsula and the province of Sulu,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here