Home NATIONWIDE Higit 50K TNVS, MC taxi drivers nadiskubreng kolorum

Higit 50K TNVS, MC taxi drivers nadiskubreng kolorum

104
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Department of Transportation (DOTr) ang libo-libong Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers at motorcycle taxi riders na nag-ooperate pala nang walang prangkisa o kolorum, kasabay ng payout ng pamahalaan sa ayuda para sa transport sector workers.

“Sa TNVS, ang allowed, based on our list, is only 54,000. ‘Yun ‘yung may tamang prangkisa. Now, noong nagbigay ng ayuda ang mga drivers that are asking for supposed ayuda lumagpas sa 54,000. Base nga sa listahan ni [Social Welfare] Sec. Rex Gatchalian, umaabot ng 100,000,” pahayag ni Acting Transportation Secretary Giovanni nitong Sabado, Mayo 2.

Ang pahayag ay kasunod ng pag-uutos sa Transport Network Companies (TNCs) at Motorcycle Taxi Platform Providers (MTPPs) na ihinto ang pagtanggap ng mga bagong drayber at rider matapos mapag-alaman na lumampas na sa limit ng ahensya ang bilang ng mga TNVS driver at MC taxi rider.

“Sa motorcycle taxi naman… per provider, binibigyan natin ng cap. Ang suma total ng cap is only 78,000. Ang riders na nasa kalsada is lalagpas na yata ng 200,000. So, sumobra na talaga,” ani Lopez.

Sa memorandum, inatasan ng transportation chief ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ihinto ang pagtanggap ng mga bagong drayber at rider para sa TNVS at MC taxi, maliban sa mga mayroon nang prangkisa.

Aminado si Lopez na mayroong kakulangan sa sistema na nagresulta sa paglampas sa driver at rider caps ng TNCs at MTPPs.

“Sabi ko, mayroong kasalanan din dito ang mga government officials… kasi hindi pwedeng hindi niyo alam with such magnitude na napakalaki ang sobra, ang colorum ay either nagbubulag-bulagan ka o hindi nakikita,” sinabi ni Lopez.

Inihinto rin ng DOTR ang on-the-spot at same-day onboarding activities ng TNCs at MTPPs.

Tinitingnan ng ahensya ang posibleng pagpataw ng parusa sa mga TNC at MTPP na lumabag sa pagpapatupad ng caps sa bilang ng TNVS at MC taxi drivers at riders. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here