MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang 17 indibidwal sa umano’y illegal na pag-refill at pag-rebrand ng tanke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Sta. Quiteria Road, Caloocan City.
Sa ulat, ang pagkakaaresto ay resulta ng raid sa compound kung saan nagtatrabaho ang 17 indibidwal.
Armado ng search warrant ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at nagsagawa ng inventory ng mga nakumpiskang item sa lugar kabilang ang kagamitan sa rebranding at refilling, mga walang laman na tanke ng LPG, pintura at tanker.
Naroon din sa operasyon ang representative mula sa petroleum company.
Ang mga naaresto ay mananagot sa reklamong paglabag sa Section 43 ng Republic Act 11592, o LPG Industry Regulation Act.
Maaaring magdulot ng banta ng sunog at iba pang safety hazards ang rebranding at refilling ng mga LPG tanks lalo na kung ang operasyon ay hindi sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang representative ng ni-raid ng kompanya. RNT/JGC