Home NATIONWIDE Solong mananaya wagi ng P35.4M jackpot sa Lotto 6/42

Solong mananaya wagi ng P35.4M jackpot sa Lotto 6/42

81
0

MANILA, Philippines – Nasungkit ng isang solong mananaya ang P35.4 milyong jackpot sa Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi, Mayo 2.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang winning number combination na 22-34-42-19-03-25 ay tinamaan ng nanalo sa jackpot prize na P35,467,492.71.

Ang winning ticket ay nabili sa Negros Occidental, ayon pa sa PCSO.

Samantala, wala namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 sa winning number na 48-33-17-02-37-10), at jackpot prize na nasa P77,324,854.25. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here