Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nagbuga ng 700 metrong ash plume

Bulkang Kanlaon nagbuga ng 700 metrong ash plume

60
0

MANILA, Philippines – Naitala ang bagong ash emission sa Bulkang Kanlaon nitong Sabado ng hapon, Mayo 2.

Sa abiso, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng plume na umabot sa 700 metro ang taas sa summit crater.

Batay sa pinakahuling 24-hour monitoring, sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ang bulkan ng 1,602 tons per day na sulfur dioxide flux sa bulkan.

Bloated o inflated din ang dalisdis ng bulkan.

Samantala, nakataas pa rin ang Alert Level 2 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here