Home NATIONWIDE PH, US nagsanay ng sea denial capability sa deployment ng NMESIS sa...

PH, US nagsanay ng sea denial capability sa deployment ng NMESIS sa Batanes

72
0
A U.S. Marine Corps Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System, right, assigned 3rd Littoral Combat Team, 3rd Marine Littoral Regiment, 3rd Marine Division, and a U.S. Army M142 High Mobility Artillery Rocket System assigned to 1st Multi-Domain Task Force, are staged on the beach after a joint ship-to-shore movement during Exercise Balikatan 2026 in Calayan, Cagayan, Philippines, April 28, 2026. Balikatan is a longstanding annual exercise between the Armed Forces of the Philippines and U.S. militar

MANILA, Philippines — Nagsanay ang puwersa ng Pilipinas at Estados Unidos sa paggamit ng sea denial capability matapos i-deploy ng US Marine Corps ang land-based missile system na NMESIS sa Batanes bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2026.

Ginamit ang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) sa Maritime Key Terrain Security Operations (MKTSO), isa sa pangunahing aktibidad ng joint military drills.

Ayon kay Staff Sgt. Darren Gibbs ng USMC, ang NMESIS ay isang autonomous missile system na idinisenyo para sa shoreline security at paghadlang sa mga banta sa karagatan.

“Ginagamit ito para sa sea denial… tumutulong sa pag-secure ng ating mga strait at sea lines,” ani Gibbs.

Bagama’t hindi pinaputok ang missile system, nagsagawa ng simulation exercises sa mga nakalipas na araw. Tumulong din ang mga sundalong Pilipino sa pag-secure ng lugar bago ang deployment.

Ipinaliwanag ni Gibbs na ang sistema ay binubuo ng launcher, mobile command vehicle, at leader vehicle, at kayang gumana nang walang sakay na tauhan dahil ito ay programmable.

Samantala, tumulong ang US Air Force sa paglipat ng mga kagamitan, kabilang ang NMESIS at HIMARS, gamit ang C-130J aircraft, bagama’t hamon ang maikling runway sa Basco Airfield.

Nilinaw ng USMC na pansamantala lamang ang deployment ng NMESIS sa Batanes at bahagi lang ito ng ehersisyo.

Nagsimula ang Balikatan 2026 noong Abril 20 at tatagal hanggang Mayo 8. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here