Home NATIONWIDE Mas malawak na suporta sa working, middle class, hiling ni Aquino sa...

Mas malawak na suporta sa working, middle class, hiling ni Aquino sa gobyerno

90
0
Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

MANILA, Philippines – Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa ekonomiya, nanawagan si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na palawakin ang tulong sa working at middle class, na patuloy na nahihirapan sa mataas na presyo ng petrolyo at mga bilihin ngunit nananatiling hindi saklaw ng ayuda ng gobyerno.

Sa kanyang pahayag para sa Araw ng mga Manggagawa, binigyang-diin ni Aquino ang pangangailangang mapalawak ang tulong para sa working at middle class, na bumubuo ng 80 porsiyento ng mga Pilipino, sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

“Ngayong Araw ng mga Manggagawa, kinikilala natin ang mga kababayan nating nagtatrabaho. Sila ang kabilang sa working at middle class na binubuo ng 80 porsiyento ng mga Pilipino,” wika ni Aquino.

“Mahalaga ang papel ng mga nagtatrabaho bilang matibay na haligi ng ating ekonomiya. Gayunpaman, sila rin ang labis na umaaray sa mataas na presyo ng bilihin at petrolyo. Nakalulungkot na para sa marami, wala pa ring natatanggap na anumang ayuda o tulong mula sa gobyerno,” dugtong pa niya.

Sa gitna ng krisis sa langis, sinabi ni Aquino na hindi dapat maisantabi ang kalagayan ng working at middle class at dapat itong gawing pangunahing prayoridad.

“Sa panahon ng sakuna o krisis, hindi puwedeng kalimutan ang mga kababayan nating nagtatrabaho. Napakahalaga na sila’y maprotektahan. Kailangang palawakin ng gobyerno ang ibinibigay nilang tulong upang sila’y mapabilang din dito,” giit niya.

Upang makatulong sa pagpapagaan ng kanilang pasanin, muling iginiit ni Aquino ang kanyang panukala na suspendihin ang pangongolekta ng excise tax sa diesel at gasolina, gayundin ang pagbawas ng value-added tax (VAT) sa mga produkto at serbisyo mula 12 porsiyento tungo sa 10 porsiyento.

“Naniniwala ako na malaking hakbang ito upang mapagaan ang pasanin ng bawat nagtatrabahong Pilipino at ng kanilang mga pamilya, kaya patuloy nating isusulong ang mga rekomendasyong ito,” wika niya.

Inihain kamakailan ni Aquino ang Senate Bill No. 2047 na naglalayong pababain ang VAT sa mga produkto at serbisyo, kabilang ang mga produktong petrolyo, sa buong ekonomiya sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Sections 106, 107, at 108 ng National Internal Revenue Code of 1997, as amended.

Isa rin siya sa mga co-author at co-sponsor sa Senado ng kamakailang naisabatas na Republic Act No. 12316, na nagbibigay sa Pangulo ng emergency powers upang suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Noong Hulyo 8, 2025, ilang araw matapos manungkulan bilang mambabatas, inihain ni Aquino ang Senate Bill No. 265 na naglalayong tuluyang alisin ang excise tax sa diesel, kerosene, liquefied petroleum gas (LPG), fuel oil, at unleaded gasoline sa ilalim ng TRAIN Law.

Ang Senate Bill No. 265 ay bahagi ng 10 prayoridad na panukalang batas ni Aquino sa ilalim ng kanyang agenda na “Panukalang Batas para sa Abot-Kayang Pamumuhay,” na naglalayong pagaanin ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, pagpapataas ng kita, at pagpapalawak ng access sa mahahalagang serbisyo.

Kabilang dito ang:

P200 Wage Hike Bill

Across-the-board na P200 dagdag-sahod sa arawang minimum wage ng lahat ng manggagawa sa pribadong sektor, maliban sa MSMEs.

Kuryenteng Walang VAT Bill

Inaalis ang 12-percent value-added tax sa bentahan ng kuryente para mapababa ang bayarin nag mga kabahayan at MSMEs.

Increasing Tax Exemption Bracket Bill

Itataas ang income tax exemption mula ₱250,000 patungong ₱480,000 kada taon, para madagdagan ang take-home pay.

Dagdag Sahod sa Nurse Bill

Itataas ang minimum base pay ng mga nurse sa gobyerno mula Salary Grade 15 tungong Salary Grade 19 upang mapanatili sila sa public health sector.

Abolition of Travel Tax Bill

Tinatanggal ang travel tax para sa mga Pilipino at ASEAN nationals na bumibiyahe sa loob ng rehiyon para mapababa ang halaga ng pagbiyahe para sa pamilyang Pilipino, estudyante, at iba pang biyahero.

Cash Assistance and Relief for Elderly (CARE) Bill

Magbibigay ng ₱1,000 social pension sa mga senior citizen na walang natatanggap na pensyon o may pensyon na hindi lalagpas sa ₱3,000.

Libreng Check-Up Bill

Isang libreng medical check-up kada taon para sa lahat ng Pilipino sa ilalim ng PhilHealth, kabilang ang general physical exam at mga pangunahing laboratoryo at diagnostic tests. Kabilang dito ang general physical examination at basic laboratory at diagnostic tests, tulad ng blood tests, urine and stool exams, imaging procedures gaya ng chest x-rays, ECGs, at age-appropriate cancer screening tests.

Barangay Workers Act

Magtatakda ng standardized salary grades at coverage sa social protection programs, at iba pang benepisyo para sa barangay workers such as Barangay Tanods, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNSs), Day Care Workers, Violence Against Women (VAW) Desk Officers, Barangay Disaster Risk Reduction at Management (BDRRM) Volunteers, at iba pa.

Profit Sharing Act

Magtatag ng national framework para sa boluntaryong profit-sharing sa pagitan ng mga employer at empleyado upang isulong ang inclusive growth at mas patas na ugnayan sa paggawa.

Bukod dito, itinutulak ni Aquino na pondohan sa national budget ang mga subsidy sa kuryente at iba pang diskwento upang maisulong ang mas mataas na antas ng transparency at sustainability, nang hindi nagpapataw ng labis na pasanin sa mga konsyumer na hindi benepisyaryo, lalo na sa working at middle class. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here