Home NATIONWIDE DPWH nangako, access road ng Cabanatuan City makukumpleto ngayong taon

DPWH nangako, access road ng Cabanatuan City makukumpleto ngayong taon

92
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makukumpleto ngayong taon ang access road na magkokonekta sa siyam na barangay ng Cabantuan City sa Central Luzon Link Expressway (CCLEX).

Ayon kay Secretary Vince Dizon, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DPWH na tutukan ang access road projects.

“The City of Cabanatuan paved this road. We owe it to the city to do our share,” ani Dizon sa kanyang pagbisita sa naturang lungsod nitong Biyernes, Mayo 1.

“It is really important for both local and national (government) to have coordination. We will make it happen.”

Ani Dizon, ilang proyekto sa probinsya ang nabalahaw dahil sa kakulangan ng pondo.

“We will fund the construction of these projects,” sinabi pa ni Dizon.

Noong Marso 31 ay sinaksihan ni Marcos ang pagbubukas ng apat na kilometrong bahagi ng CCLEX sa Cabanatuan City, na bahagi ng east-west Luzon corridor na nagdurugtong sa Tarlac patungong Nueva Ecija.

Mababawasan nito ang biyahe mula Tarlac at Cabanatuan City mula isa’t kalahating oras ay magiging 20 minuto na lamang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here