Home NATIONWIDE First Lady, Ayala execs nagpulongsa planong pagpapalakas ng PH creative industry

First Lady, Ayala execs nagpulongsa planong pagpapalakas ng PH creative industry

75
0

MANILA, Philippines – Nakipagkita si First Lady Liza Araneta-Marcos sa top executives ng Ayala Group upang alamin ang mga pamamaraan sa pagsusulong ng Philippine creative industry.

Sa Facebook post nitong Sabado, Mayo 2, ibinahagi ni Araneta-Marcos ang larawan ng pakikipagkita nito kay Ayala Corporation chairperson Jaime Augusto Zobel de Ayala, at managing directors na sina Mariana Beatriz Zobel de Ayala at Paolo Maximo Borromeo.

Ang meeting na ginanap noong Abril 28 sa opisina ng First Lady ay tumutok sa pagtukoy ng mga bagong paraan upang paunlarin ang creative sector ng bansa.

Inilarawan ng First Lady ang meeting bilang produktibo, at tinukoy ang patuloy na suporta ng pribadong sektor para sa Filipino art at heritage.

“[I] had a productive meeting with the Ayala Group on new ways to uplift our creative industry,” anang First Lady.

“They’ve long championed Filipino art and heritage — from the Ayala Museum to spaces where our creativity truly shines,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat ito sa Ayala Group at umaasa sa mas malalim pang kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.

Ang Philippine creative industry ay binubuo ng malawak na sektor kabilang ang audio at audiovisual media, digital interactive services, advertising, creative services, publishing at printed media, performing arts, visual arts, traditional cultural expression, at cultural sites.

Malaki rin ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa at cultural identity.

Noong 2025 ay naitala ang 6.9 percent na pag-unlad ng creative economy ng bansa mula sa P1.98 trilyon noong 2024 sa P2.12 trilyon ng nasabing taon.

Bumubuo ito ng 7.6 percent ng gross domestic product ng bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here