MANILA, Philippines – Kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng multisectral group na Coalition 169 ang siyam (9) na kasalukuyan at dating opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng umano’y bilyong pisong “computer fee” scheme.
Pinangunahan ng multisectoral group na Coalition 169 na binubuo ng public transport operators, commuter groups, drivers, motorist, student at citizens ang paghahain ng reklamo laban kina DOTR Sec. Giovanni Lopez, mga dating kalihim na sina DPWH Sec. Vince Dizon, Former Sec. Jaime Bautista, LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, Former LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, Former LTO Chief Atty. Teofilo Guadiz III; Usec. Ramon Reyes; Former Usec. Jesus Ferdinand Ortega, Former Usec. Mark Steven Pastor at Stradcom Pres. Anthony Quiamboa.
Sinabi sa reklamo ng Coalition 169, na nilabag umano ng mga respondent ang Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, partikular ang Section 3(e) at 3(g), na tumutukoy sa pagbibigay ng hindi nararapat na benepisyo sa pribadong kumpanya at pagpasok sa kontratang dehado ang pamahalaan.
“Kung ating iko-compute sa 169 pesos na binabayan sa LTO sa data meron tayong 12 bilyon sasakyan annual dapat walang computer fees and additional fees na binabayaran kung susumahin umaabot sa P2 bilyon annual ang nakokolektang pera na pumapasok sa Stradcom na dapat sana ay walang binabayaran at walang additional computers fee ” sabi ni Johnny Gomez ng Coalition 169”
Ayon pa kay Gomez tinatayang umaabot umano sa P2- bilyong piso kada taon ang nalilikom pera ng Stradcom mula Pebrero 10, 2013 hanggang sa kasalukuyan, halagang anila’y pabigat sa milyun-milyong Pilipinong nakikipagtransaksyon sa LTO.
Kaugnay nito ipinunto naman Bernard Yu ng Coalition 169 na umano’y pinaboran ng mga opisyal ng DOTr at LTO ang Stradcom Corporation sa pamamahala ng information technology systems ng LTO, na nagresulta sa patuloy na paniningil ng “computer fees” sa mga motorista.
“The senior official of the DOTr and LTO they have commited gross inexcussable negligence” sabi ni Bernard Yu ng Coalition 169.
Sinabi pa ni Yu na dahil dito, hiniling ng Coalition 169 ang anim na buwang preventive suspension ng mga sangkot na opisyal, alinsunod sa Section 24 ng nasabing batas, gayundin ang buong refund ng lahat ng nakolektang computer fees mula 2013 hanggang ngayon. (Santi Celario)