Home NATIONWIDE 2 LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR

2 LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR

92
0

MANILA, Philippines – Binabantayan ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nabuo mula sa cloud clusters sa silangan ng Mindanao nitong Lunes ng umaga.

Ang unang LPA ay nasa 1,350 kilometro silangan ng northeastern Mindanao noong 8 a.m. at posibleng pumasok sa PAR sa Martes. Bagama’t hindi inaasahang maging bagyo, maaari itong magdala ng ulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao, at Palawan sa Huwebes at Biyernes.

Ang ikalawang LPA naman ay nasa 2,870 kilometro silangan ng northeastern Mindanao at may “medium potential” na maging tropical cyclone sa loob ng 24 oras. Posibleng pumasok ito sa PAR bilang tropical depression sa Sabado o Linggo at tatawaging “Caloy.”

Ayon sa PAGASA, malabong mag-landfall ang posibleng bagyong ito at maaari itong humina o maglaho sa dagat.

Tinatayang isa hanggang dalawang tropical cyclone ang maaaring mabuo o pumasok sa PAR ngayong Mayo.

Sa ngayon, nasa kasagsagan pa ng tag-init ang bansa, na inaasahang magpapatuloy hanggang ikalawang linggo ng Mayo. Dahil dito, nangingibabaw ang easterlies mula sa Pacific na nagdudulot ng init at paminsan-minsang pag-ulan o thunderstorm sa hapon at gabi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here