Home NATIONWIDE P18.8M ismagel na tobacco products nasamsam sa Zamboanga

P18.8M ismagel na tobacco products nasamsam sa Zamboanga

69
0

MANILA, Philippines -Naharang ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ng Philippine Navy ang dalawang magkahiwalay na maritime smuggling attempts ngayong linggo at nakumpiska ang nasa P18.8 milyong halaga ng mga ismagel na tobacco products.

Noong Abril 26, naharang ng mga awtoridad ang M/B Dayang Janna sa dagat na sakop ng Zamboanga at nadiskubre ang 50 master cases ng hindi dokumentadong sigarilyo.

Nagkakahalaga ang mga ito ng P7.57 milyon ayon sa Bureau of Customs (BOC) – Port of Zamboanga.

Bigo umanong makapagpresenta ang crew ng dokumento para sa cargo at sa mismong bangka.

Noong Mayo 3 naman ay naharang din ng mga awtoridad ang isa pang motorized banca na may pangalang M/B Bas.

Nagresulta naman ito sa pagkakakumpiska ng 73 master cases ng iba’t ibang tobacco products na nagkakahalaga ng P11.23 milyon.

Ang lahat ng nahuling indibidwal ay dinala sa Naval Station Romulo Espaldon para sa dokumentasyon habang ang nakumpiskang mga item at bangka ay itinurn-over sa BOC para sa tamang disposisyon at paghahain ng reklamo sa ilalim ng Republic Act No. 12022.

Ayon sa WMNC, ang pagharang na ito ay bahagi ng serye ng pinaigting na crackdown sa Western Mindanao sa talamak na pag-iismagel ng mga produkto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here