Home METRO 31 aftershocks naitala matapos ang M6 lindol sa Eastern Samar

31 aftershocks naitala matapos ang M6 lindol sa Eastern Samar

93
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 31 aftershocks hanggang alas-8 ng umaga ng Martes matapos ang magnitude 6.0 na lindol sa Eastern Samar noong Lunes.

Ayon sa PHIVOLCS, ang mga aftershock ay may lakas na magnitude 1.2 hanggang 3.2 at hindi naramdaman. Sa mga ito, 16 ang na-plot.

Naganap ang pangunahing lindol alas-2:09 ng hapon at natukoy na nasa humigit-kumulang 20 kilometro hilaga 65 degrees silangan ng San Julian, na may lalim na 56 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Nauna nang nagbabala ang mga seismologist na posibleng magkaroon ng pinsala at kasunod na pagyanig matapos ang lindol.

Naitala ang Intensity V o malakas na pagyanig sa ilang bahagi ng Leyte kabilang ang Tacloban City, habang mas mahinang pagyanig ang naramdaman hanggang Sorsogon at Surigao del Sur.

Wala namang inilabas na tsunami warning, ngunit pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil maaaring magpatuloy ang mga aftershock sa mga susunod na araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here