Home NATIONWIDE Apela ni Duterte sa mga kaso laban sa kanya, pinababasura ng ICC

Apela ni Duterte sa mga kaso laban sa kanya, pinababasura ng ICC

107
0

THE HAGUE, Netherlands – Hiniling ng International Criminal Court Prosecution na tanggihan ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umapela sa desisyong nagpapatibay sa mga kaso laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagpatay noong siya ay alkalde ng Davao at pangulo.

Sa 12-pahinang dokumento noong Mayo 4, sinabi ng Prosecution sa Pre-Trial Chamber I na “misinterprets and expresses its mere disagreement” ang depensa at wala itong naipakitang sapat na basehan para sa apela.

“The Prosecution respectfully requests that Pre-Trial Chamber I reject the Defence’s request for leave to appeal the Decision on the confirmation of charges against Mr. Rodrigo Roa Duterte,” pahayag nito.

Iginiit ng Prosecution na mali ang pahayag ng depensa na hindi malinaw ang saklaw ng mga kaso, at sinabing naipaliwanag ito ng korte at nakabatay sa mga ebidensya at testimonya.

Dagdag pa, “In fact, the Chamber solicited additional submissions from the parties on this issue, considered arguments in detail, and clearly articulated its findings with respect to the scope of the charges in the Decision.”

Tinanggihan din ng Prosecution ang alegasyon ng depensa na may legal na pagkakamali sa pag-apruba ng mga kaso, at sinabing maayos na naipakita ng korte ang batayan ng ebidensya.

Ayon dito, layunin ng confirmation proceedings na tiyakin kung sapat ang kaso para umusad sa paglilitis.

Sinabi rin ng Prosecution na walang isyu sa pagiging patas ng proseso dahil tatalakayin pa ang lahat ng argumento ng depensa sa Trial Chamber.

Pinuna rin nito ang ilang pahayag ng depensa sa media na umano’y “false and disparaging statements” laban sa korte at mga hukom, na nakasisira sa kredibilidad ng ICC at nagdudulot ng disinformation.

Binanggit din na inulit ni Salvador Panelo ang mga ganitong pahayag sa media.

Samantala, tumutol din ang mga kinatawan ng mga biktima sa hiling ni Duterte na payagang umapela. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here