Home METRO Ina, natagpuang patay, inilibing sa liblib na lugar sa BenguetMETROTOP STORIES Ina, natagpuang patay, inilibing sa liblib na lugar sa BenguetMay 5, 2026 18:43770 FacebookTwitterPinterestWhatsApp BENGUET, Philippines – Isang 72-anyos na babae ang natagpuang patay at inilibing sa liblib na Barangay Daclan noong Mayo 3.Ayon sa ulat, may residente na nakakita sa anak ng biktima na naglilibing ng tila isang bagay. Dahil dito, pinasuri ang lugar ng isang kamag-anak.Kalaunan, natuklasan ng kamag-anak ang paa ng tao na nakausli mula sa lupa kaya agad na ipinaalam sa pulisya.Rumesponde ang mga pulis at Scene-of-the-Crime Operatives (SOCO) para imbestigahan ang lugar.Hindi muna inilabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.Nasa kustodiya na ng Bokod Municipal Police Station ang suspek at posibleng maharap sa kasong parricide. RNT/MND