Home NATIONWIDE PBBM dismayado sa higit 3 taong ‘di pakikipag-usap kay Imee

PBBM dismayado sa higit 3 taong ‘di pakikipag-usap kay Imee

118
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na hindi sila nag-uusap ng kanyang ate na si Senador Imee Marcos, nang mahigit sa tatlong taon na.

Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na maging sa mga family gathering at events ay hindi dumadalo si Imee Marcos.

“Immediately after the UPLIFT Committee meeting, I approached the President and asked about this comment or statement of his sister Senator Imee Marcos and he said ‘yes, they haven’t spoken for almost 3 years, she has not been attending family gatherings, family event’, so iyon po ang sagot ng Pangulo,” ayon kay Castro.

Sa ulat, sinabi ni Imee Marcos na “non-existent” o hndi na sila nagkakaroon ng ugnayan ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos.

Sa katunayan nga aniya ay mahigit isang taon na niyang hindi nakikita ang Pangulo at mas pinipili na rin aniya niyang hindi dumalo sa mga family reunion, habang hinahayaan na lamang ang kanyang mga anak kung nais nilang pumunta.

Samantala, sa tanong naman ng reaksyon ng Pangulo sa mga pahayag na ito ni Imee Marcos, sinabi ni Castro na base sa body language ng Pangulo, ‘disappointed’ ito sa mga pahayag ng kanyang ate.

“Paano ko ba idi-describe iyong kanyang reaksiyon? Bago siya kasi sumagot ay pinag-isipan niya talaga, sa aking paningin sa kanyang body language ay disappointed siya sa kanyang nadidinig na mga salita mula sa kanyang kapatid,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here