Home NATIONWIDE Vlogger sumuko, nagpiyansa kaugnay ng pagpapakalat ng fake medical record ni PBBM

Vlogger sumuko, nagpiyansa kaugnay ng pagpapakalat ng fake medical record ni PBBM

88
0

MANILA, Philippines – Sumuko sa Pasay City Regional Trial Court Branch 119 nitong Martes ang vlogger na si Jeffrey Luces Celiz, na kilala rin bilang “Ka Eric Celiz,” at nagbayad ng ₱36,000 na piyansa para sa kasong unlawful publication.

Kaugnay ito sa umano’y pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon sa abogado niyang si Atty. Mark Tolentino, sumuko si Celiz bandang 10 a.m. at nakapagpiyansa, kaya nakalaya rin bandang 11 a.m. nitong Martes.

“The posting of bail secures his provisional liberty, subject to his full compliance with all court processes and conditions imposed by the Court,” ayon sa pahayag ng kanyang abogado.

Dagdag pa ng kampo ng depensa, “We remain committed to the rule of law and to the faithful observance of all constitutional guarantees, including the presumption of innocence and the right to due process.”

Sinabi rin ng abogado na walang legal na basehan para sa kanyang pagkakaaresto habang may bisa ang piyansa.

Nauna nang inihain ng National Bureau of Investigation ang kaso laban kina Celiz at dating broadcaster Jay Sonza matapos umanong magpakalat ng post tungkol sa CT-scan at medical record ni Marcos noong Enero.

Si Sonza ay nakapagpiyansa rin noong Lunes sa hiwalay na RTC branch, habang patuloy pa ang pagdinig sa iba pang cyberlibel complaints laban sa kanila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here