MANILA, Philippines — Kabuuang 12 mananaya ang nanalo ng jackpot prizes sa lahat ng major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Mayo 5, 2026.
Isang mananaya ang nanalo sa Lotto 6/42 na may premyong P10 milyon matapos tamaan ang kombinasyong 31-28-19-03-02-04. Ang winning ticket ay nabili sa Laguna.
Isa pang mananaya ang nanalo sa Superlotto 6/49 na may jackpot na P40,607,323.57 sa kombinasyong 44-03-08-31-06-49, at ang tiket ay nabili sa Pampanga.
Samantala, 10 mananaya ang naghati-hati sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng PHP76,305,973.15 matapos tamaan ang winning combination na 01-58-25-43-26-16.
Ayon sa PCSO, isinasagawa ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado; ang Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; at ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT