Home NATIONWIDE LPA, bagyo sa Mindanao sabay na hahambalos sa Pinas

LPA, bagyo sa Mindanao sabay na hahambalos sa Pinas

108
0

MANILA, Philippines —Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may low pressure area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) habang may nabuo ring tropical depression sa silangang bahagi ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 910 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao at hindi inaasahang maging tropical cyclone.

Gayunman, maaari pa rin itong magdala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng southern Philippines habang binabagtas ang Mindanao at Palawan bago tuluyang humina at mawala sa weekend.

“Bukas ng gabi, yung trough o outer portion ng low pressure area magdadala ng mga pag-ulan dito sa may silangang bahagi ng Visayas, Caraga, at Davao Region,” ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja.

Samantala, ang tropical depression ay nasa layong humigit-kumulang 2,560 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao, taglay ang lakas ng hanging 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h. Mabagal itong kumikilos patungong north northwest.

Ayon sa PAGASA, maaaring pumasok ito sa PAR sa Sabado o Linggo at papangalanang “Caloy,” ang ikatlong bagyo sa bansa ngayong taon.

“Isa sa mga nakikita nating scenario regarding pre-Caloy, pagpasok [nito] sa may north Philippine Sea ay lilihis po [ito] ng direksyon… kikilos palayo ng ating kalupaan at unti-unting hihina,” ani Estareja.

Binabantayan din ng PAGASA ang posibilidad ng dalawa pang tropical cyclones na mabubuo o papasok sa PAR ngayong buwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here