Home NATIONWIDE Opensiba sa Iran, tapos na – Rubio

Opensiba sa Iran, tapos na – Rubio

92
0

WASHINGTON — Ipinahayag ni US Secretary of State Marco Rubio na natapos na ng Estados Unidos ang opensibong yugto ng digmaan nito laban sa Iran, halos isang buwan matapos ipatupad ang isang marupok na tigil-putukan.

“The operation is over — Epic Fury — as the president notified Congress. We’re done with that stage of it,” pahayag ni Rubio sa mga mamamahayag sa White House noong Martes.

Nauna nang ipinaalam ng White House sa mga mambabatas na epektibong nagwakas ang digmaan dahil sa ceasefire, kaya naiwasan ang obligasyong humingi ng pahintulot sa Kongreso para sa operasyong lalampas sa 60 araw.

Sa kabila nito, nagbabala si Donald Trump ng “major reprisals” sakaling umatake ang Iran sa mga barko ng U.S., at inihayag ang “Project Freedom” upang tulungan ang mga sasakyang-dagat sa Strait of Hormuz kung saan nananatiling mataas ang tensyon.

“This is not an offensive operation; this is a defensive operation,” ani Rubio. “And what that means is very simple — there’s no shooting unless we’re shot at first.”

Nagsimula ang labanan noong Pebrero 28 nang magsagawa ng pag-atake ang Israel at Estados Unidos laban sa Iran, na ikinamatay ng matataas na lider at sumira sa mahahalagang pasilidad militar at pang-ekonomiya. Gumanti ang Iran sa pamamagitan ng missile at drone attacks sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Idineklara ni Trump ang ceasefire noong Abril 8, na nananatiling umiiral kahit hindi umuusad ang negosasyon sa Tehran.

Ayon kay Rubio, “achieved the objectives” na ang Estados Unidos sa digmaan at binigyang-diin ang matinding epekto nito sa ekonomiya ng Iran, ngunit sinabi ring mas nais ni Trump ang isang negosasyong kasunduan.

Tinuligsa rin ni Rubio ang 1973 War Powers Act, na nagsasabing, “We don’t acknowledge the law as constitutional. Nonetheless, we comply with elements of it for purposes of maintaining good relations with Congress.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here