Home METRO Pag-agos ng lava, maliliit na pagsabog naitala sa Mayon

Pag-agos ng lava, maliliit na pagsabog naitala sa Mayon

71
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nagpakita ng effusive eruption activity ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras, kabilang ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng lava, maliliit na pagsabog, at panandaliang lava fountaining, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 3.8 kilometro ang lava flow sa Basud channel, 3.2 kilometro sa Bonga, at 1.6 kilometro sa Mi-isi gullies.

Naobserbahan din ang episodic minor strombolian activity at panandaliang lava fountaining sa summit crater, habang kapansin-pansin pa rin ang crater glow sa gabi.

Naitala ang kabuuang 11 volcanic earthquakes, kabilang ang tatlong volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang anim na minuto. Naitala rin ang 283 rockfall events at 17 pyroclastic density current signals.

May naobserbahang moderate emission plumes na umiikot patungong kanluran, habang umabot sa 2,184 tonelada ang sulfur dioxide emissions noong Martes.

Ipinakita rin ng ground deformation data ang short-term deflation ng bulkan at localized inflation sa northeastern flank.

Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil sa patuloy na banta. Binalaan din ang mga eroplano na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan.

Kabilang sa mga posibleng panganib ang rockfalls, landslides, ballistic fragments, lava flows, lava fountaining, pyroclastic density currents, at maliliit hanggang katamtamang pagsabog. Maaari rin umanong magkaroon ng lahar kapag may malakas at matagal na pag-ulan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here