Home HOME BANNER STORY Pagdamay sa pamilya ko sa impeachment trial, ‘di patas – VP Sara

Pagdamay sa pamilya ko sa impeachment trial, ‘di patas – VP Sara

71
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na “hindi patas” na idamay ang kanyang mga kapamilya sa kanyang impeachment proceedings matapos silang banggitin sa mga alegasyon ng unexplained wealth, misuse of funds, at umano’y illegal drug payouts.

“Well, I think it’s unfair dahil hindi naman sila vice president at hindi naman sila ini-impeach,” pahayag ni Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands noong Martes.

“And tulad ng mga asawa at mga anak din ng mga congressman, they have the right to privacy being ordinary individuals and private citizens,” dagdag niya.

Sa impeachment proceedings, iginiit ni dating senador Antonio Trillanes IV na may humigit-kumulang P181 milyon mula sa isang indibidwal na tinukoy umanong drug lord na si Sammy Uy ang naipamahagi sa ilang miyembro ng pamilya Duterte, kabilang sina Vice President Sara Duterte, dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, Manases “Mans” Carpio, Honeylet Avanceña, at Veronica “Kitty” Duterte.

Nasa The Hague si Vice President Duterte upang bisitahin ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) at nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga patayan noong siya ay alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa.

Ayon sa kanya, hindi niya na sinabi sa ama ang tungkol sa impeachment upang hindi ito ma-stress.

“Hindi ko binanggit sa kanya ang impeachment. At hindi ko binanggit sa kanya ang mga nangyari sa House of Representatives so hindi niya alam na merong pangalawang posibleng impeachment na mangyayari,” aniya.

“Dapat ang alam lang niya ay ‘yung mga happy na mga bagay. Lalo pati nag-iisip tayo na baka nga diyan siya bawian ng buhay sa loob. Diyan siya mamamatay sa loob ng detention,” dagdag niya.

Dagdag pa ng Bise Presidente, maayos ang lagay ng dating pangulo sa kanilang pagbisita at mas marami itong napag-usapang pulitika.

“He’s okay, very chatty today, mostly about politics. At least, siguro mga (perhaps around) 95% of the conversation was about politics,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here