Home NATIONWIDE 62 Chinese vessels namataan sa WPS sa Abril 2026

62 Chinese vessels namataan sa WPS sa Abril 2026

74
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umabot sa 62 Chinese vessels ang namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) noong Abril 2026.

Ayon sa pahayag ni AFP spokesperson for the WPS Roy Vincent Trinidad nitong Miyerkules, kabilang sa mga namataang sasakyang pandagat ang mga mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) sa mga pangunahing lugar gaya ng Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Escoda Shoal, at Pag-asa Islands.

Ayon sa detalye, 24 ang nasa Bajo de Masinloc (9 PLAN, 15 CCG), 12 sa Ayungin Shoal (2 PLAN, 10 CCG), 17 sa Escoda Shoal (9 PLAN, 8 CCG), at 9 sa Pag-asa Islands (1 PLAN, 8 CCG).

Mas mababa ito kumpara sa 90 Chinese vessels na naitala sa WPS noong Marso 2026.

Sinabi ni Trinidad na ang patuloy na presensya ng mga barkong Tsino ay nagpapakita ng “irregular, coercive, aggressive, and deceptive” na mga aksyon na sumisira sa rules-based international order at banta sa soberanya at sovereign rights ng Pilipinas.

“Despite these actions, the Philippine Navy and the AFP remain steadfast in fulfilling their resp mandates to uphold maritime security, maintaining a sustained focus on operational readiness, enhanced maritime domain awareness, and strengthened inter-agency coordination in addressing developments in the WPS,” pahayag ni Trinidad.

Patuloy ang tensyon sa pinag-aagawang karagatan, kung saan inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea na mahalagang daluyan ng pandaigdigang kalakalan. May magkakapatong na claim din dito ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Itinuturing ng Pilipinas na West Philippine Sea ang bahagi ng South China Sea na nasa kanlurang bahagi ng bansa, kabilang ang Luzon Sea at mga katubigang nakapalibot sa Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas at sinabing “no legal basis” ang claim ng China, ngunit hindi ito kinikilala ng Beijing. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here