Home HOME BANNER STORY 4Ps ‘di rason ng ‘bill shock’ – DSWD chief

4Ps ‘di rason ng ‘bill shock’ – DSWD chief

83
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Miyerkules ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa gitna ng batikos kaugnay ng pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Co. (Manila Electric Company) nitong Abril.

“Una, fake news si Meralco. Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang pag singil noong April. Yung bill shock na yun nanggaling sa sarili nilang generation. Tumaas ang generation expense nila,” ayon kay Gatchalian sa isang panayam sa telebisyon.

Giit niya, napakaliit lamang ng konsumo ng mga 4Ps household sa kuryente at minimal lamang ang natatanggap nilang benepisyo sa lifeline subsidy.

“Napakaliit lang ng kinukunsumo ng 4Ps… So, hindi sila ang rason kung bakit sumipa ng ganun kalaki,” dagdag niya.

Batay sa datos ng DSWD, 135,411 lamang na 4Ps households ang nakapaloob sa Lifeline Rate Subsidy Program kumpara sa 8.11 milyong customer ng Meralco.

Sa usapin ng panukalang pagrepaso sa Expanded Lifeline Rate Law, sinabi ni Gatchalian na bukas ang DSWD sa mga pagbabago basta’t hindi maipapasa sa consumers ang dagdag na gastos.

“Sang-ayon kami doon sa panukala… dapat sana sila mag-absorb nito. Parang CSR na nila, yung corporate social responsibility na nila,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga taxpayer, partikular sa middle class, na patuloy umanong sumusuporta sa pondo ng mga programang panlipunan ng gobyerno.

Ayon pa kay Gatchalian, target ng administrasyong Marcos na maibaba sa single digit ang poverty incidence pagsapit ng 2028, at nakatulong ang 4Ps sa pag-angat ng kabuhayan, kabilang ang halos 12 milyong indibidwal na nakapagtapos ng pag-aaral at 32,000 hanggang 39,000 board passers mula sa mga pamilyang benepisyaryo.

Ang 4Ps ay pangunahing programa ng pamahalaan para sa pagbabawas ng kahirapan at pamumuhunan sa human capital na ipinatutupad ng DSWD. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here