Home NATIONWIDE Wakas sa balimbing sa pulitika, anti-turncoatism bill, inihain sa Kamara

Wakas sa balimbing sa pulitika, anti-turncoatism bill, inihain sa Kamara

73
0

MANILA, Philippines – Upang tuldukan ang dekada nang kultura ng “lipat-bakod” at “personality-driven politics” sa Pilipinas, pormal nang inihain ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI) ang House Bill No. 9139 o ang Comprehensive Political Party Empowerment Act.

Pinangunahan nina PCFI President Jose “Bong” Teves Jr. (TGP Party-list), Secretary-General Jude Acidre (TINGOG), at Rep. Nathaniel Oducado (1Tahanan) ang paghahain ng panukala nitong Miyerkules, kasama si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chair Zia Alonto Adiong.

Sa ilalim ng nasabing bill, mahigpit nang ipagbabawal ang “political turncoatism” o ang pag-abandona sa kinabibilangang partido para sa personal na bentahe.

Kasama dito ang paglipat ng partido matapos manalo sa eleksyon o pagtanggap ng nominasyon mula sa ibang kampo.

Ang mga halal na opisyal na mapapatunayang naging “balimbing” ay mahaharap sa pagkaka-alis sa pwesto kapag napatunayan ng Commission on Elections (COMELEC).

Maging ang mga partidong mang-uudyok sa paglipat-bakod ay papatawan ng suspensyon o pagbawi ng accreditation.

Layon din ng HB 9139 na itatag ang Political Party Development Fund (PPDF), ito ay pondong magmumula sa publiko na gagamitin para sa political education, research, at pagpapatatag ng mga partido upang hindi lamang sila aktibo tuwing eleksyon.

“Political parties are supposed to give structure to democracy. They are meant to organize ideas not simply personalities or political convenience,” pahayag ni Acidre.

Aniya, matagal nang naging normal sa bansa ang pagpapalit ng partido base sa kung sino ang nasa kapangyarihan, na nagpapahina sa tiwala ng publiko.

Ayon naman kayTeves, ang repormang ito ay tungkol sa pagbuo ng mga institusyong mas tatagal pa kaysa sa mga pangalan ng mga politiko.

“This measure is about building institutions that can outlast personalities and political cycles. In the long run, reforms like this strengthen democratic governance,” ani Teves.

Kasama rin sa bill ang mas mahigpit na rules sa political financing upang maiwasan ang mga illegal o foreign donation, at masiguro ang transparency sa bawat sentimong ginagastos ng mga kandidato at partido. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here