Home NATIONWIDE PNP, handa sa pagpapatupad ng price cap sa bigas

PNP, handa sa pagpapatupad ng price cap sa bigas

68
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na suportahan ang pagpapatupad ng planong rice price cap ng gobyerno upang mapanatiling matatag ang presyo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa buong bansa.

Ito ay matapos sabihin ng Department of Agriculture (Department of Agriculture (DA)) na plano nitong makipagtulungan sa PNP at Department of Trade and Industry (Department of Trade and Industry (DTI)) para sa mas mahigpit na pagbabantay sa presyo ng bigas sa mga palengke at tindahan.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakahanda ang pulisya na tumulong upang masiguro na masusunod ang mga regulasyon sa oras na maipatupad ang price ceiling para sa imported rice.

“We are ready to extend all the necessary assistance in ensuring that rules and regulations under this plan are properly observed,” ani Nartatez.

Nag-utos na rin siya sa mga lokal na pulis na magtalaga ng mga tauhan sa mga palengke at grocery upang bantayan ang presyo ng bigas na ipinapataw ng mga retailer.

Makikipag-ugnayan din umano ang PNP sa mga local government unit para sa maayos na inspeksyon at pagpapatupad ng polisiya.

Binigyang-diin ni Nartatez na suporta lamang ang papel ng pulisya sa DA at DTI at pangunahing layunin nito ang pagprotekta sa kakayahang bumili ng mga pamilyang Pilipino.

Hinimok din niya ang publiko na i-report ang mga lalabag sa magiging patakaran dahil mananagot umano ang mga retailer na hindi susunod sa price cap kapag ito ay opisyal nang naipatupad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here