Home NATIONWIDE 30 Pinoy crew sa cruise ship, ligtas sa Hantavirus

30 Pinoy crew sa cruise ship, ligtas sa Hantavirus

54
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na mayroong 38 Filipino crew mula sa isang cruise ship na nasa maayos at walang sakit na Hantavirus.

Ang cruise ship ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo  base sa ulat ng verified World Health  Organization (WHO) pages ay nakadaong sa Cabo Verde malapit sa Atlantic Ocean at mayroong mahigit 100 pasahero at ang naturang mga Filipino crew members.

Ayon kay Domingo, isang magandang balita at mahalaga dito ay walang sakit  ang ating mga kababayan.

Ang pahayag ni Domingo ay matapos maiulat na tatlong pasahero ang namatay dahil sa virus abang tatlong iba pang pasahero ang kasalukuyang ginagamot sa Netherlands.

Ayon sa WHO, isinagawa ang evacuation sa koordinasyon ng ship operator at mga health authority mula sa Cabo Verde, United Kingdom, Spain, at Netherlands.

Patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng mga pasahero at crew, kabilang ang mga nakababa na sa barko, para sa posibleng follow-up at karagdagang medical assessment kung kinakailangan.

Giit ng WHO, nananatiling mababa ang public health risk ng insidente, habang tuloy ang monitoring at koordinasyon sa mga kasangkot na bansa.

Sa ibinahaging impormasyon ng DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay sa mga internasyonal na health alerts bilang bahagi ng global disease surveillance system ng ahensya.

Ang  Hantavirus ay hindi na bago at kilala na na isang rare o bibihira lang na sakit na nakukuha lamang kung  mapapalapit sa dumi o ihi ng mga daga na may hantavirus. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here