MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa bansa ang easterlies ngayong Biyernes, Mayo 8.
Ayon sa PAGASA, ang Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Sultan Kudarat, Siquijor, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers or thunderstorms dahil pa rin sa easterlies.
Samantala, huling namataan ang Tropical Storm Hagupit sa layong 1,615 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao o nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras. RNT/JGC