Home NATIONWIDE Mga may-ari ng tindahan sa Cavite nanakawan ng P23K sa ‘QR Code...

Mga may-ari ng tindahan sa Cavite nanakawan ng P23K sa ‘QR Code scam’

82
0

MANILA, Philippines – Nabiktima ng panibagong ‘QR Code scam’ o ‘QR Code phishing’ ang may-ari ng ilang tindahan sa Cavite.

Sa ulat, nawalan ng mahigit P23,000 mula sa kanilang e-wallet ang mga may-ari ng tindahan nang magpa-cash in ang isang indibidwal gamit ang QR code.

Nakita sa CCTV footage ang isa umanong lalaki na nagpa-cash in ng P220 sa isang tindahan sa Imus, Cavite.

Sa kabila nito ay sinabi ng lalaki na hindi niya natanggap ang pera at humiling na i-rescan ulit ang bagong QR code.

Agad namang umalis ng establisyimento ang lalaki at mga kasama nito.

Nang tingnan ng may-ari ng tindahan ang e-wallet ay naka-link na ito sa isang online shopping app at ang mga bayad na natatanggap nila sa kanilang e-wallet ay ginagamit na ng iba.

Nagawang makakulimbat ng mahigit P23,000 ang mga suspek sa anim na transaksyon gamit ang e-wallet ng mga may-ari.

Nagsampa na ng reklamo ang mga may-ari ng tindahan laban sa suspek.

Ang QR Code scam o QR code phishing ay ginagawa umano gamit ang QR Code para i-re direct o dalhin ng mga scammer ang biktima sa pekeng website o system na kayang makapag-access ng personal na impormasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here