Home NATIONWIDE DOH naglaan ng P3.6M tulong sa evacuees sa pag-alburoto ng Mayon

DOH naglaan ng P3.6M tulong sa evacuees sa pag-alburoto ng Mayon

57
0

MANILA, Philippines – Naglaan ang Department of Health (DOH) Region 5 (Bicol) ng mahigit P3.6 milyon na halaga ng medical supplies at tulong logistikal sa mga bayan sa Albay na naapektuhan ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Aurora Teresa Daluro, pinuno ng Public Health Preparedness and Response Unit ng DOH-5, nagpadala na ang ahensya ng rapid health assessment teams sa mga apektadong lugar upang masigurong may agarang tulong medikal ang mga evacuee.

Nag-deploy din ang DOH-5 ng 67 human resources for health (HRH) personnel, kabilang ang Doctors to the Barrios, midwives, pharmacists, at nurse deployment program personnel, na nakaantabay sa evacuation camps 24/7.

Bukod dito, nagtatag ang ahensya ng fast lanes at ipinatupad ang no-balance billing strategy sa mga ospital sa Albay para sa mga evacuees.

Pinalakas din ng DOH-5 ang Surveillance in Post-Extreme Emergencies and Disasters (SPEED) information system, na tumatanggap ng arawang health reports mula sa evacuation camps upang mapahusay ang disease monitoring.

Nagpadala rin ang ahensya ng Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) team at rural sanitary inspectors upang magsagawa ng water sampling at testing sa mga apektadong komunidad.

Upang masiguro ang ligtas na inuming tubig, inilunsad ang “Palit Jerry Can” strategy para sa mga evacuees.

Bukod dito, nagsagawa ang ahensya ng nutritional assessments, supplementary at therapeutic feeding activities, at Mental Health and Psychosocial Support Services sessions sa evacuation centers.

Sa ngayon, naitala ng DOH-5 ang 229 psychological interventions na naibigay sa mga evacuees. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here