MANILA, Philippines – Lima sa walong hinihinalang kaso ng hantavirus na may kaugnayan sa MV Hondius cruise ship ang kumpirmado na ngayon ayon sa isang press briefing ng World Health Organization (WHO) nitong Huwebes, Mayo 7.
Ayon kay Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nananatiling mababa ang banta ng outbreak sa publiko.
Dagdag pa niya, alam ng WHO ang mga ulat tungkol sa iba pang pasyente at maaaring magkaroon pa ng dagdag na kaso dahil sa mahabang incubation period ng virus.
Sa ulat, sakay ng cruise ship ang mahigit 100 pasahero. Mayroon itong 38 na Filipino crew na kapwa walang sakit.
Patuloy naman ang pagmomonitor ng WHO sa kalagayan ng mga pasahero at crew kabilang ang mga nakababa na sa barko para sa posibleng follow-up at karagdagang medical assessment kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden