Home NATIONWIDE Dahil sa kakaibang istilo: Pamamalagi ni Mabanta sa ilalim ng Marcos team,...

Dahil sa kakaibang istilo: Pamamalagi ni Mabanta sa ilalim ng Marcos team, saglit lang – Malakanyang

46
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na tumagal lamang ng anim na buwan ang pamamalagi ng political strategist na si Franco Mabanta sa ilalim ng social media team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong 2018 dahil sa kakaibang messaging “style” nito.

Sa isang media interview sa Cebu, nilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro na habang si Mabanta ay nagsisilbi bilang social media director ni Marcos, wala namang impormasyon na kasalukuyan nitong pinapanatili ang personal na ugnayan sa Pangulo.

“Wala namang nagde-deny na naging social media director ng Pangulo itong si Franco Mabanta,” ayon kay Castro.

“Parang tumagal lamang po siya ng parang six months. Mga six months po dahil according sa nagbigay sa akin ng info, medyo hindi nagustuhan ‘yung style. Yun lamang po ang naibigay sa aking info,” aniya pa rin.

Itinanggi naman ni Castro na nagkaroon ng mahalagang papel si Mabanta sa naging tagumpay ni Pangulong Marcos noong 2022 presidential campaign, sabay sabing sumama si Mabanta sa team bago pa ang election period.

Binigyang diin ni Castro na ang ugnayan ni Mabanta sa kampo ni Pangulong Marcos ay “purely professional” at hindi umabot sa nagpapatuloy na personal relationship.

Tinukoy din ni Castro ang bukas na liham ni Mabanta para sa Pangulo na isang ebidensiya at patunay na “no close personal connection” sa pagitan ng mga ito.

“We’re talking of now. So, china-challenge ko rin, bigyan niya ako ng larawan na magkasama si Franco Mabanta at ang Pangulong Marcos Jr. — lalong-lalo na sa kanyang wedding kung saan ang mga kasamahan niya ay nagagawi sa tinatawag na DDS,” aniya pa rin, tinukoy ang tinatawag na “Die-hard Duterte Supporters.”

Samantala, si Mabanta at apat na iba pa ay inaresto sa isang entrapment operation kaugnay sa tangkang pangingikil ng P300 million mula sa pinsan ni Pangulong Marcos na si dating House Speaker Martin Romualdez. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here