Home HOME BANNER STORY Media nag-walkout sa forum ng ‘Maleta Boys’ kaugnay ng flood control controversy

Media nag-walkout sa forum ng ‘Maleta Boys’ kaugnay ng flood control controversy

85
0

MANILA, Philippines – Nauwi sa kaguluhan noong Biyernes, Mayo 8, ang isang forum sa Valle Verde Country Club sa Pasig City na layuning “ferret out the truth” tungkol sa 18 umano’y dating Marines na may kaugnayan sa malawak na flood control controversy na tinaguriang “Maleta Boys.”

Ayon sa mga organizer, layunin ng pagtitipon na ipaliwanag ng grupo ang kanilang alegasyon na naghatid sila ng bilyon-bilyong piso na cash sa mga government officials, kabilang si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ngunit sa kabila ng naunang pahayag na bukas ito sa media, bigla umanong pinagbawalan ang mainstream media na pumasok sa venue, dahilan para mag-walkout ang mga mamamahayag.

Ayon sa Facebook page na “General Talk” at retired Air Force General Romeo Poquiz, ang event ay dapat sana mula 2 p.m. hanggang 5 p.m. at bukas sa publiko bilang isang exposé ng mga dating Marines.

Wala pang paliwanag ang mga organizer kung bakit isinara sa media ang naturang forum.

Nauna nang ipinakilala ng abogadong si Levito Baligod ang 18 indibidwal sa isang press conference sa San Juan City bilang mga dating kasamahan ni Orly Guteza, isang dating Marine na naging testigo sa Senado kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects noong 2025.

Ayon sa kanilang affidavit, naghatid umano sila ng P805 bilyon sa ilang opisyal ng gobyerno, kabilang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez, Rep. Leila de Lima, at dating National Security Adviser Eduardo Año.

Mariin itong itinanggi ng mga pinangalanang opisyal.

Nilinaw rin ng Philippine Marine Corps na apat sa 18 ay hindi talaga bahagi ng kanilang hanay, at karamihan sa grupo ay dishonorably discharged.

Noong Marso, nagsampa ng reklamo si Año sa Department of Justice laban sa mga dating Marines dahil sa pagbanggit sa kanya sa affidavit tungkol sa umano’y delivery ng pera. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here