MANILA, Philippines – Ilang araw bago bumoto ang House of Representatives sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Senator Imee Marcos na may umano’y “incentive package” na iniaalok sa mga kongresista kapalit ng “yes” vote.
Sinabi ni Marcos na kasama umano sa alok ang ₱5 milyong cash, dagdag na ₱3 milyong Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kada buwan, at ₱150 milyong halaga ng proyekto.
Ayon pa sa senador, ang mga boboto naman ng “no” ay posibleng mawalan ng budget at maharap sa kaso.
“Congs lang [ang may offer]. [Sa] senators, no offer—just under [the] gun haha,” sabi ni Marcos. “It is the carrot and the stick.”
Hindi pa niya pinapangalanan kung sino umano ang nagbibigay ng alok o kung saan manggagaling ang pondo.
Mariin namang itinanggi ni House Committee on Justice chairperson Representative Gerville Luistro ang alegasyon.
“I can speak for myself only and I deny that pronouncement of Sen. Imee with all due respect to her. Wala po akong na-encounter na ganyan,” ani Luistro.
Itinanggi rin niya ang umano’y banta sa mga boboto ng “no.”
“As far I am concerned, wala po tayong naririnig, nae-encounter na ganyan,” dagdag niya.
Sa Mayo 11, pangungunahan ni Luistro ang sponsorship ng committee report at Articles of Impeachment laban kay Duterte sa plenaryo ng Kamara.
Kabilang sa mga reklamong isinampa laban sa bise presidente ang:
misuse o abuse of confidential funds
unexplained wealth
bribery
at umano’y plano laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez






