Home NATIONWIDE Green Energy Auction charge sa Mayo–Hunyo, sinuspinde ng ERC

Green Energy Auction charge sa Mayo–Hunyo, sinuspinde ng ERC

48
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang pagsuspinde sa koleksyon ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) sa mga electric bill sa Mayo at Hunyo 2026.

Ang GEA-All ay singil na ginagamit para pondohan ang mga renewable energy projects tulad ng solar, wind, at hydro sa Pilipinas.

Ayon sa ERC, layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang gastusin ng mga mamamayan sa gitna ng tumataas na inflation at global economic pressures.

“As of May 5, the GEA-All fund maintains a healthy balance of approximately P466.49 million,” ayon sa ahensya.

Batay sa pagtataya ng ERC, sapat pa ang pondo para tustusan ang bayad sa mga renewable energy developers kahit suspendido ang koleksyon sa loob ng panahong ito.

Sinabi ni ERC Chairperson Atty. Francis Saturnino Juan na makakatulong ito para maibsan ang bigat ng gastos sa kuryente ng mga konsumer.

“While the ERC remains fully committed to supporting the country’s transition to cleaner and more sustainable energy sources, we also recognize the immediate challenges being faced by Filipino households due to rising prices and global uncertainties,” aniya.

Muling susuriin ng ERC sa Hunyo ang estado ng pondo upang malaman kung ipagpapatuloy o palalawigin pa ang suspensyon ng singil. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here