Home NATIONWIDE 38 Filipino crew sa hantavirus-hit cruise ship, kailangan ng medical clearance bago...

38 Filipino crew sa hantavirus-hit cruise ship, kailangan ng medical clearance bago makauwi

81
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, ang 38 Pilipinong crew ng MV Hondius na apektado ng hantavirus scare ay kailangang sumailalim muna sa tamang medical clearance bago makauwi sa Pilipinas.

Nilinaw ni Cacdac na lahat ng Pilipinong sakay ng cruise ship ay hindi infected ng hantavirus at kasalukuyang nasa maayos na kondisyon. Pinayagan na rin umano ang barko na dumaong malapit sa Canary Islands sa Spain.

“They want to get out of that ship and go home. That is our goal,” ani Cacdac.

Ngunit dagdag niya, kailangan pa ring sundin ang tamang health protocols at proseso bago payagang makauwi ang mga tripulante.

“We need to give the proper medical authorities and processes, clearances and protocols time to take shape as well as to be implemented,” aniya.

Ayon sa World Health Organization (WHO), may naitalang 2 confirmed cases at 5 suspected cases ng hantavirus sa barko, at 3 pasahero ang namatay, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Sinabi ni Cacdac na patuloy ang koordinasyon ng DMW sa Department of Health (DOH), manning agency, at may-ari ng barko, pati na rin ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga seafarers.

Bagamat wala pang kumpletong detalye ng medical assessment, tiniyak ng mga kinauukulan na base sa impormasyong natanggap, hindi tinamaan ng sakit ang 38 Pilipino.

Ayon sa DOH, wala namang naitalang kaso ng hantavirus sa Pilipinas kamakailan at ito ay isang bihirang sakit na nakukuha mula sa ihi o dumi ng daga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here