Home METRO Suspek sa nagviral na BGC road rage arestado sa Taguig

Suspek sa nagviral na BGC road rage arestado sa Taguig

83
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Taguig City police Sub-Station 1 ang suspek sa nagviral na road rage na umatake sa dalawang kalalakihan gamit ang isang screwdriver sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City Huwebes ng hapon, Mayo 7.

Kinilala ng Taguig City police ang arestadong suspek na si alyas Sherwin, 48, isang motorcycle rider.

Base sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang pag-atake ng suspek sa mga biktima bandang alas 4:00 ng hapon sa kahabaan ng Kalayaan Avenue panulukan ng 8th Avenue, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa ilang saksi, binusinahan ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo na nakatigil sa unahan ng mga sasakyan sa kanyang likuran at nagdirty finger di-umano ito bago tumakbo.

Sa pagkakataong ito ay hinabol ng mga biktima lulan naman ng kanilang sinasakyan ding motorsiklo at inabot ang suspek sa sumunod na stoplight kung saan kinompronta nila ang suspek.

Dito na nagpang-abot ang dalang biktima at ang suspek na bumaba ng motorsiklo sabay kuha ng screwdriver sa compartment at sa kainitan ng komprontasyon ay inundayan ng saksak ang mga biktima bago ito tumakas sa lugar.

Sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Sub-Station 1 ay agad na nadakip ang suspek habang ang kumalat na video ng insidente ay gagamitin bilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa dalawang counts ng frustrated homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code sa Taguig City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here