Home HOME BANNER STORY Pag-apply ng mga PUV operator sa Service Contracting Program hinikayat ng LTFRB...

Pag-apply ng mga PUV operator sa Service Contracting Program hinikayat ng LTFRB bago Mayo 11

63
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Biyernes sa mga operator at driver ng public utility vehicles (PUV) na sumali sa Service Contracting Program (SCP) bago ang deadline sa Mayo 11.

Ayon sa LTFRB, tatanggap lamang ng aplikasyon hanggang 11:59 p.m. ng Lunes sa pamamagitan ng SCP portal na https://ltfrb-scp.ph.

“Ang lahat ng maisusumite bago o hanggang sa itinakdang deadline ay sasailalim sa review at evaluation kasama ng mga nauna nang natanggap na aplikasyon,” ayon sa ahensya.

Nagpaalala rin ang LTFRB na hindi na tatanggapin o ie-evaluate ang mga late na aplikasyon.

“Kaugnay nito, paalala sa lahat na tiyaking kumpleto at tama ang inyong mga isinumiteng dokumento,” dagdag nito.

Ang SCP ay muling inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB upang makatulong sa mga tsuper at operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina dulot ng tensyon sa Middle East.

Sa ilalim ng gross SCP, binabayaran ng gobyerno ang operator batay sa distansyang nalakbay, kahit gaano karami ang pasahero. Sa ilang kaso, libre na ang pamasahe o kinokolekta ito ng gobyerno.

Sa net SCP, naniningil ng discounted fare ang mga operator sa pasahero habang nagbibigay naman ang gobyerno ng subsidy batay sa kilometrong tinakbo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here