MANILA, Philippines – Kumakalat ngayon sa social media ang paglalabas umano ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong Mayo 9.
Ayon sa ulat ng News5, natanggap na ng Interpol ang warrant at nasa bansa na umano ang kanilang mga kinatawan.
Sa kabilang banda, pinabulaanan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang lumalabas na balita at sinabing ‘hearsay’ lamang ito.
Aniya, wala pang opisyal na kopya ng warrant of arrest na ipinapadala sa DILG. RNT/MND