Home NATIONWIDE Easterlies patuloy na nakakaapekto sa bansa

Easterlies patuloy na nakakaapekto sa bansa

75
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng sama ng panahon na nakapasok na sa loob ng Philippine area of responsibility ay patuloy na makakaapekto ang easterlies sa bansa ngayong araw, Mayo 10.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies.

Samantala, ang Tropical Storm Hagupit ay huling namataan 1,035 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here