Home HOME BANNER STORY Walang public warrant na inisyu vs Bato – ICC

Walang public warrant na inisyu vs Bato – ICC

81
0

THE HAGUE – Sinabi ng International Criminal Court (ICC) nitong Sabado, Mayo 9 na walang public arrest warrants ang inisyu laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito ay kasunod ng mga usap-usapan na naglabas na ang ICC ng arrest warrant laban sa senador na matagal na ring hindi pumapasok sa trabaho.

“No public arrest warrants have been issued,” mensahe ni ICC spokesperson Oriane Maillet.

Tumanggi namang magkomento si Maillet nang tanungin kung naghain na ng aplikasyon para sa warrant laban kay Dela Rosa ang prosekusyon ng ICC at kung nangangahulugan itong may warrant na pero hindi pa naisasapubliko.

“We cannot speculate on these matters or on any confidential information,” aniya.

Matatandaan na pinangalanan ng ICC Office of the Prosecutor si Dela Rosa, kasama ang iba pa, bilang co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa crimes against humanity cases sa madugong war on drugs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here